10/04/2026
PABATID: CASH RELIEF ASSISTANCE FOR TODA (CITIES)
Ang DSWD FO 3 - Central Luzon ay kasalukuyang tumutugon sa ilang teknikal na isyu patungkol sa listahang isinumite ng ilang lokal na pamahalaan sa ating ahensya.
Nais naming tiyakin sa publiko, lalo na sa mga benepisyaryong nakaranas ng pagkakamali sa baybay o espasyo ng pangalan, mga may expired na lisensya, at kwalipikadong tsuper na nagpadala ng representante na kayo ay aming binibigyang-halaga. Kasama rin sa aming prayoridad ang mga tsuper na hindi nakadalo sa nakatakdang araw ng payout dahil sa kanilang kondisyong pangkalusugan. Lahat ng mga nabanggit ay sasailalim sa isang Special Payout na nakatakdang isagawa sa loob ng buwan ng Abril.
Sa kasalukuyan, ang inyong lokal na pamahalaan at ang DSWD FO 3 ay aktibong nagtutulungan upang maingat na maisaayos ang bawat impormasyon ng mga kwalipikadong tsuper.
Nauunawaan namin ang inyong pangangailangan, kaya naman sinisiguro namin ang mabilis ngunit tumpak na proseso para sa inyong kapakanan.
Hinihikayat namin ang lahat na sumangguni at dumulog sa mga nakatalagang LGU Help Desk para sa pagsasaayos ng inyong mga dokumento, at para sa karagdagang koordinasyon at impormasyon.
Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan.