01/06/2026
π’ Upians, Sabay-Sabay Tayo!
Makilahok sa Municipal-Wide Simultaneous Clean-Up Drive ngayong Hunyo 2, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 71st Founding Anniversary of the Municipality of Upi.
Maaaring isagawa ang clean-up activity sa kani-kaniyang barangay upang maipakita ang ating pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating komunidad.
Sa sama-samang pagkilos, maipapakita natin na ang isang malinis, ligtas, at maunlad na Upi ay bunga ng pagtutulungan ng bawat mamamayan.