05/06/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐, ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐๐ฎ๐ต๐ฒ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ ๐๐ถ๐ด๐ต๐๐ฎ๐!
Mula sa tatlong oras, magiging isang oras at 45 minuto na lamang ang biyahe sa pagitan ng Tacloban City at Catbalogan City sa oras na makumpleto ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway sa Samar ngayong Agosto 2026.
Sa pag-inspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng kalsada sa Pinabacdao, Samar, tiniyak niya ang mataas na kalidad ng proyekto upang mapabuti ang interconnectivity, mapabilis ang paggalaw ng mga tao at produkto, at mapalakas ang mga oportunidad sa ekonomiya sa rehiyon.
Inaasahan ding mababawasan ang gastos sa transportasyon, mapapahusay ang logistics para sa mga magsasaka at negosyante, at magiging mas madali ang pag-access sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at iba pang mahahalagang serbisyo, at magiging mas ligtas at mas maaasahan rin ang pagdaan ng mga relief at recovery operations sa panahon ng kalamidad.