25/08/2026
KA-AMIA INFORMED
SPECIAL FARM WEATHER OUTLOOK AND ADVISORY
CALABARZON REGION
Typhoon “ Saudel”
Ang Typhoon “SAUDEL”, na dating tinawag na “OBET,” ay patuloy na kumikilos pahilagang-kanluran (northwestward) at kasalukuyang nasa karagatan sa hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon. Ang sentro nito ay tinatayang nasa 1,070 km hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon (26.9°N, 130.0°E) bandang 3:00 PM.
Taglay nito ang lakas ng hanging 140 km/h at pagbugsong umaabot sa 170 km/h. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h. Ang Typhoon “SAUDEL” ay kasalukuyang mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Samantala
- Ang dating Tropical Depression “ATSANI” ay humina at naging Low Pressure Area (LPA 08h) na karaniwang may wind speed na mas mababa sa 62 km/h. Ito ay kasalukuyang mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at “MALABO” na muling maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.
- Inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat ang Cavite, Batangas, at Rizal dahil sa Habagat.
Source:
DOST–PAGASA // https://www.pagasa.dost.gov.ph
Manatiling ligtas, mga Ka-AMIA!