31/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Ang iskedyul ng serbisyo sa LRA Central Office ay mula alas-otso ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi, Lunes hanggang Huwebes. Bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 114, s. 2026, na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, magbubukas pa rin po ang opisina tuwing Biyernes upang maghatid ng frontline services, ngunit limitado ang bilang ng mga kawani (skeleton workforce).
Para sa Registries of Deeds (RDs), paalala lamang po na maaaring mag-iba ang iskedyul ng operasyon ng isang Registry of Deeds batay sa anunsyo ng lokal na pamahalaan kung saan matatagpuan ang kanilang tanggapan. Para sa gabay ukol sa iskedyul ng operasyon ng mga Registries of Deeds, maaari po ninyong i-click ang link na ito ng aming website:
LRA Adjusted Work Schedule Guide:
https://lra.gov.ph/public-service-advisory/
Para naman po sa pagbayad ng inyong mga transaksyon, ang cash payments po ay tatanggapin hanggang alas-singko ng hapon upang masiguro ang maayos at tamang pagbalanse ng arawang koleksyon. Kung sakaling kayo po ay maabutan ng cutoff, maaari pa rin po kayong magbayad sa pamamagitan ng cashless payment.
Para sa gabay sa proseso ng cashless payment, maaari po ninyong i-click ang link sa ibaba o magtanong sa inyong Registry of Deeds.
Cashless Payment Guide: https://www.facebook.com/share/v/1BqAx5a4KV/
Maraming salamat po.