12/06/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ธ๐ฎ-๐ญ๐ฎ๐ด ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐
Kasama sa makabuluhang paggunita ng Ika-128 Taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nakiisa si City Vice Mayor Hon. Pablo C. Ortega sa Pagpupugay sa Watawat at Wreath Laying Ceremony bilang pagpupugay sa kagitingan at sakripisyo ng ating mga bayani.
Pinangunahan ng Philippine Navy ang seremonya kasama ang Union Masonic Lodge No. 70, mga Opisyal at Kawani ng Pamahalaang Panlungsod, Veterans Federation of the Philippines, Armed Forces of the Philippines (Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at Philippine Air Force), Uniformed Services (PNP, BJMP, at BFP), Free and Accepted Masons of the Philippines, Liga ng mga Barangay, at Liga ng mga Barangay, at Department of Education Schools Division.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Mayor Pablo C. Ortega ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at patuloy na pagpapahalaga sa kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno.
Patuloy nating alalahanin ang diwa ng kasarinlan at magsilbing inspirasyon ang sakripisyo ng ating mga bayani tungo sa mas maunlad at nagkakaisang komunidad.
Mabuhay ang Pilipinas!