14/05/2026
Buong puso naming ipinapaabot ang pagbati sa Pamahalaang Bayan ng ๐๐ข๐ฅ๐๐ซ, ๐๐๐ซ๐ sa matagumpay na pag-LIVE ng eLGU System at eGovPH Super App! ๐โจ
Isang mahalagang hakbang ito tungo sa digital na pamahalaan at sa pagbibigay ng mabilis, mabisa, at transparent na serbisyo publiko para sa mga mamamayan ng Pilar. ๐ก๏ธโ๏ธ
Sa pamamagitan ng eLGU System at eGovPH App, maaari nang gawin ng mga taga-Pilar ang mga sumusunod kahit nasa bahay lang:
โ
Mag-apply o mag-renew ng business permit online (BPLS)
โ
Humiling ng Certified True Copies ng Birth, Marriage, at Death Certificates (LCR)
โ
Kumuha ng Cedula (Community Tax Certificate)
โ
Makatanggap ng mga opisyal na balita at anunsyo mula sa LGU
Ikaw ba ay may negosyo sa Pilar o isa sa mga residente nito? Ngayon na ang tamang panahon para maging digital! ๐ฑ๐ป
Magsimula na ngayon at bisitahin ang inyong official portal:
๐ https://elgu-pilar-abra.e.gov.ph/
I-download din ang eGovPH Super App para sa mas marami pang serbisyo:
๐น Play Store: https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app
๐น App Store: https://apps.apple.com/ph/app/egovph/id6447682225
๐น App Gallery: https://appgallery.huawei.com/app/C111221319
Ang inisyatibong ito ay tugon sa layunin ng RA 11032 (Ease of Doing Business Act) na gawing mas mabilis, abot-kaya, at mabisa ang serbisyo ng gobyerno.
Suportahan natin ang at ! ๐ค๐
Dahil dito sa Cordillera, Walang Iwanan sa Digital Bayanihan! ๐