LTO MIMAROPA Region

Directions Website Contact the organization

LTO MIMAROPA Region The official page of the LTO MIMAROPA Region

🚨 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨Matapos ang isinagawang imbestigasyon at pagdinig, ipinataw ng Land Transportation Office (LT...
25/09/2026

🚨 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨

Matapos ang isinagawang imbestigasyon at pagdinig, ipinataw ng Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang dalawang taong revocation sa lisensya sa pagmamaneho ng rider na inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) kaugnay ng viral na ulat tungkol sa hindi naaangkop na paglalantad ng pribadong bahagi ng kanyang katawan sa isang babaeng pedestrian.

Sa viral na post at video, isinalaysay ng isang babae ang insidenteng naganap habang siya ay naglalakad, kung saan isang lalaking sakay ng motorsiklo ang bigla umanong naglantad ng kanyang pribadong bahagi bago agad umalis sa lugar. Lumitaw rin sa mga ulat na may isa pang katulad na insidente na kinasangkutan ng parehong rider.

Sa isinagawang pagdinig, personal na humarap ang rider at kinumpirma na siya ang taong makikita sa viral na video. Inamin din niyang dalawang beses nangyari ang naturang insidente, ngunit ipinaliwanag niyang ibang motorsiklo ang ginamit sa mga pagkakataong iyon at hindi ang motorsiklong sakop ng imbestigasyon ng LTO. Batay sa isinagawang imbestigasyon, idineklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang rider.

Samantala, nananatiling naka-alarma ang motorsiklong sakop ng imbestigasyon.

β€œAng pampublikong kalsada ay hindi kailanman lugar para pairalin ang kabastusan at kawalan ng respeto sa ibang tao. May mga batas at alituntuning ipinapatupad ang LTO na dapat sundin at hindi balewalain," pahayag ni Asec. Lacanilao.

"Kung ang isang kilos ay nagdudulot ng pagkatakot at pangamba sa ibang tao, hindi natin palalampasin ang ganitong uri ng kabastusan. Nararapat lamang na bawiin ang lisensya niya,” dagdag niya.

πŸš¨π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨Ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbawi sa lisensya ng drayber ng isang truck...
25/09/2026

πŸš¨π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨

Ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbawi sa lisensya ng drayber ng isang truck na sangkot sa mainitang komprontasyon sa kapwa drayber ng truck sa Lipata Port, Surigao City.

Nabigong humarap sa itinakdang pagdinig ang rehistradong may-ari/operator at ang itinalagang drayber, sa kabila ng naipadalang Show Cause Order (SCO). Dahil dito, ibinatay ng ahensya ang pagresolba sa kaso sa mga ebidensyang nakalap kaugnay ng insidente.

Batay sa resolusyon ng kaso, ipinataw ang revocation ng driver’s license ng naturang drayber at ang kanyang diskwalipikasyon sa pagkuha ng anumang uri ng bagong driver’s license sa loob ng dalawang taon. Samantala, tinukoy rin ang pananagutan ng registered owner/operator dahil sa Employing Reckless, Insolent, Discourteous or Arrogant Driver.

Nananatiling naka-alarm ang sangkot na truck upang matiyak ang pagharap ng rehistradong may-ari/operator at ang itinalagang drayber.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng insidente, maaaring basahin ang unang pahayag na inilabas ng ahensya:

https://www.facebook.com/share/1EErg2sTDL/?mibextid=wwXIfr

π‹π“πŽ, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀𝐆-πˆπ’π˜π” 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐕 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π“π€π€ππ† 𝐍𝐀𝐆-𝐂𝐔𝐓 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 π–π€π’π“πŽππ† π’πˆπ†ππ€π‹, ππˆπ†π‹π€π€ππ† 𝐍𝐀𝐆𝐏...
24/09/2026

π‹π“πŽ, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀𝐆-πˆπ’π˜π” 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐕 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π“π€π€ππ† 𝐍𝐀𝐆-𝐂𝐔𝐓 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 π–π€π’π“πŽππ† π’πˆπ†ππ€π‹, ππˆπ†π‹π€π€ππ† ππ€π†ππ‘π„ππŽ 𝐀𝐓 ππ€π†π“π€ππ†πŠπ€ππ† πŒπ€π†π‹π€ππ€π’ 𝐍𝐆 ππ€π‘πˆπ‹ 𝐒𝐀 πŠπ€π‡π€ππ€π€π 𝐍𝐆 𝐄𝐃𝐒𝐀; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang drayber ng isang SUV matapos namataang mag-cut ng lane nang walang wastong signal, biglaang nagpreno at nagtangkang maglabas ng baril sa kahabaan ng EDSA.

Makikita sa video na naka-post sa page ng β€œSilinyador PH” ang naturang SUV na nag-cut ng lane sa isa pang sasakyan nang walang wastong paggamit ng signal light at biglaang nagpreno habang bumibiyahe sa southbound lane ng EDSA malapit sa SM Megamall patungong Shaw Boulevard Tunnel. Makikita rin sa naturang video ang drayber na nagtangkang maglabas ng baril.

Bilang bahagi ng proseso, inatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at itinalagang drayber ng naturang SUV na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa Setyembre 30, 2026. Inatasan din silang magsumite ng sinumpaang salaysay kasama ang mga kaukulang orihinal na dokumento upang maipaliwanag ang kanilang panig kaugnay ng insidente.

Sa isinagawang pagsusuri ng ahensya, kabilang sa mga paglabag na nakasaad sa SCO ang Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa iba pang pananagutan na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng naturang drayber at inatasan siyang agad itong isuko sa IID.

Inilagay na rin sa alarm ang naturang SUV habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at kaukulang proseso ng ahensya.

β€œSa mga kalsadang maraming sasakyan tulad ng EDSA, kailangang maging maingat sa bawat paglipat ng lane. Kaya tayo gumagamit ng signal light para malinaw na maipaalam sa ibang motorista ang ating intensyong lumipat ng lane at mabigyan sila ng sapat na oras para makapag-adjust. Huwag nating ilagay sa alanganin ang ibang motorista. Ang ganitong pag-uugali, lalo na ang pagtatangkang maglabas ng baril, ay delikado sa kalsada at may kaakibat na pananagutan,” ayon kay Asec. Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na gumamit ng wastong signal at tiyaking ligtas ang bawat pagmamaniobra bago ito isagawa. Binigyang-diin din ng ahensya na ang biglaang pagmamaniobra o pagpreno nang walang sapat na pag-iingat ay maaaring magdulot ng panganib sa sarili at sa ibang road users, gayundin ay makaapekto sa kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko.

🚨 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨Matapos ang isinagawang imbestigasyon ng ahensya, ipinataw ng Land Transportation Office (LTO...
24/09/2026

🚨 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨

Matapos ang isinagawang imbestigasyon ng ahensya, ipinataw ng Land Transportation Office (LTO) ang perpetual revocation o lifetime ban sa pagkuha ng lisensya ang drayber ng pampasaherong jeep dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle, kaugnay ng road crash na kinasangkutan nito sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila noong Setyembre 12, 2026.

Bagama't hindi dumalo ang drayber sa isinagawang pagdinig, ipinagpatuloy ng ahensya ang proseso at ibinatay ang naging desisyon sa mga ebidensiyang nasa rekord at iba pang dokumentong nakalap kaugnay ng insidente. Sa naturang insidente, nawalan ng preno ang jeep habang binabagtas ang northbound lane ng Rizal Avenue. Napunta ito sa sidewalk bago bumangga sa isang poste at tumagilid, na nagresulta sa pagkasawi ng isang indibidwal at walong iba pang sugatan.

Napatunayan din na kapwa lumabag ang drayber at rehistradong may-ari o operator ng jeep sa Operating a Motor Vehicle with Defective Parts and Accessories.

Bukod dito, pananagutan ng drayber ng jeep ang kasong Reckless Driving, habang ang rehistradong may-ari o operator naman ay naharap din sa kasong Employing a Reckless Driver, alinsunod sa Joint Administrative Order (JAO) 2014-01.

Samantala, nananatiling naka-alarm ang pampasaherong jeep.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng naunang inilabas ng ahensya tungkol sa insidenteng ito, maaaring bisitahin ang link sa ibaba:

https://www.facebook.com/share/p/1Cdmvgt98M/?mibextid=wwXIfr

π“πˆππ†ππ€π: LTO CHIEF, NAGPATUPAD NG MAHIGPIT NA ROAD ENFORCEMENT OPERATION SA PUERTO PRINCESA; MGA COLORUM NA MOTORSIKLO, ...
23/09/2026

π“πˆππ†ππ€π: LTO CHIEF, NAGPATUPAD NG MAHIGPIT NA ROAD ENFORCEMENT OPERATION SA PUERTO PRINCESA; MGA COLORUM NA MOTORSIKLO, INIMPOUND

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng road enforcement ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, umabot sa 46 Temporary Operator’s Permits (TOPs) ang inisyu sa isinagawang operasyon sa Malvar Road, Puerto Princesa City noong Setyembre 21, 2026, dahil sa mga paglabag sa Republic Act No. 4136 at iba pang paglabag sa umiiral na batas at regulasyon ng ahensya.

Isinagawa ang operasyon katuwang ang Law Enforcement Service (LES) ng LTO Region 4B. Kabilang sa mga nahuli ang 10 motorsiklo na ginagamit bilang habal-habal. Ang 5 nito ay isinailalim sa technical impoundment, habang 5 naman ang pisikal na na-impound.

Natukoy rin ang iba pang paglabag, kabilang ang paggamit ng hindi rehistradong sasakyan, pagmamaneho nang walang balidong lisensya, paggamit ng sasakyang may sirang piyesa, reckless driving, hindi pagsusuot ng helmet at seatbelt, overloading, at pagsakay ng higit sa pinapayagang bilang ng pasahero sa motorsiklo.

Bukod dito, may mga nahuli rin dahil sa paglabag kaugnay ng paggamit ng plaka, kabilang ang paggamit ng improvised plate nang walang kaukulang authorization mula sa LTO, paglalagay ng hindi pinahihintulutang pantakip, at hindi pagkakabit ng opisyal na plaka.

β€œHindi lang isang uri ng paglabag ang tinututukan natin. Mula sa colorum na operasyon hanggang sa pagmamaneho nang walang lisensya, hindi rehistradong sasakyan at iba pang paglabag sa batas-trapiko, bawat isa ay may kaukulang aksyon,” saad ni Asec. Lacanilao.

β€œKung hindi kayang sumunod sa batas, hindi kami magdadalawang-isip na suspendihin o bawiin ang lisensya at i-impound ang sasakyan, alinsunod sa batas. Gusto ko na malinaw sa lahat na seryoso ang LTO sa pagpapatupad ng batas sa kalsada,” dagdag ni Asec. Lacanilao.

Patuloy naman ang LTO sa pagpapaigting ng mga operasyon laban sa colorum at iba pang paglabag sa batas-trapiko bilang bahagi ng pagtupad ng ahensya sa 7-Point Agenda ni Assistant Secretary Lacanilao, na naglalayong makapaghatid sa publiko ng maayos na serbisyo at matiyak ang ligtas na kalsada at mga disiplinadong motorista.

π‘πˆπƒπ„π‘, ππ€π’π€π–πˆ πŒπ€π“π€ππŽπ’ πŒπ€π†π”π‹π”ππ†π€π 𝐍𝐆 π“π‘π”π‚πŠ 𝐒𝐀 π‚π€πˆππ“π€; πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹...
23/09/2026

π‘πˆπƒπ„π‘, ππ€π’π€π–πˆ πŒπ€π“π€ππŽπ’ πŒπ€π†π”π‹π”ππ†π€π 𝐍𝐆 π“π‘π”π‚πŠ 𝐒𝐀 π‚π€πˆππ“π€; πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos mag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa drayber ng isang truck na nasangkot sa isang road crash na ikinasawi ng isang rider sa Cainta, Rizal.

Batay sa CCTV footage, makikitang bumibiyahe ang mga sasakyan sa Bonifacio Avenue patungong Taytay nang bumangga ang rider sa isang bisikleta, dahilan upang kapwa sila matumba sa kalsada. Ilang sandali matapos nito, nagulungan ng paparating na truck ang rider na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay. Matapos ang insidente, umalis sa lugar ang drayber ng truck ngunit kalaunan ay naaresto ng mga awtoridad.

Dahil dito, inatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at itinalagang drayber ng truck na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City, sa Setyembre 30, 2026 upang magsumite ng sinumpaang salaysay kasama ang mga kaukulang orihinal na dokumento kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa SCO ang Reckless Driving, Duty of the Driver in Case of Accident, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng naturang drayber at inatasan siyang agad itong isuko sa IID.

Inilagay na rin sa alarm ang naturang truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at kaukulang proseso ng ahensya.

β€œKailangan nating doblehin ang pag-iingat sa kalsada dahil isang maling pagmamaniobra ay maaaring mauwi sa malubhang aksidente o pagkawala ng buhay. Bilang mga motorista, responsibilidad nating maging alerto at isaalang-alang ang kaligtasan ng ibang gumagamit ng kalsada. Sa ganitong mga insidente, kailangang harapin ng mga sangkot ang kaukulang proseso at pananagutan,” ayon kay Asec. Lacanilao.

Paalala ng LTO na pairalin ang dobleng pag-iingat at disiplina sa bawat pagmamaneho upang maiwasan ang mga aksidenteng maaaring mauwi sa pagkawala ng buhay. Bilang mga drayber, mahalagang laging isaalang-alang ang kaligtasan ng ibang gumagamit ng kalsada at gampanan ang responsibilidad sa bawat pagmamaneho upang mapanatiling ligtas ang lahat ng nasa daan.

π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…, πˆππˆπ‘π„πŠπŽπŒπ„ππƒπ€ 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐑𝐏𝐄𝐓𝐔𝐀𝐋 π‘π„π•πŽπ‚π€π“πˆπŽπ 𝐎 π‹πˆπ…π„π“πˆπŒπ„ 𝐁𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 π‹π€π’πˆππ† 𝐍𝐀 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ πŒπ€π“π€ππŽπ’ πŒπ€πŠπ€π’π€π†π€π’π€ 𝐍𝐆 ππ”π‹πˆπ’ 𝐇...
23/09/2026

π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…, πˆππˆπ‘π„πŠπŽπŒπ„ππƒπ€ 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐑𝐏𝐄𝐓𝐔𝐀𝐋 π‘π„π•πŽπ‚π€π“πˆπŽπ 𝐎 π‹πˆπ…π„π“πˆπŒπ„ 𝐁𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 π‹π€π’πˆππ† 𝐍𝐀 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ πŒπ€π“π€ππŽπ’ πŒπ€πŠπ€π’π€π†π€π’π€ 𝐍𝐆 ππ”π‹πˆπ’ 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐒𝐀 π‚π‡π„π‚πŠππŽπˆππ“ πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos mag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa drayber ng isang pribadong sasakyan na nasangkot sa road crash na ikinasawi ng isang pulis sa Jimenez, Misamis Occidental noong Setyembre 21, 2026.

Batay sa initial investigation report, bumangga ang naturang pribadong sasakyan sa checkpoint signage ng Jimenez Municipal Police Station sa National Highway Intersection, Purok 5, Brgy. Butuay, Jimenez, Misamis Occidental. Kasunod nito, nasagasaan ng sasakyan ang isang pulis na kalaunan ay nasawi dahil sa mga tinamong pinsala.

Batay rin sa isinagawang alcohol test gamit ang Alcoholic Breath Analyzer (ABA), nagpositibo sa alcohol ang drayber, na nagpapatunay na nagmamaneho siya habang nasa impluwensya ng alak.

Kaugnay nito, ipinatawag ng LTO ang drayber upang personal na humarap at magsumite ng sinumpaang salaysay sa loob ng tatlong araw mula sa pagtanggap ng SCO upang maipaliwanag ang kanyang panig kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa SCO ang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, Reckless Driving, at Driving Under the Influence of Alcohol, bukod pa sa iba pang pananagutan na maaaring matukoy batay sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, isinailalim agad sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng naturang drayber, habang inilagay naman sa alarm ang sangkot na pribadong sasakyan.

Kasunod ng insidente, inirekomenda ni LTO Chief Asec. Lacanilao ang perpetual revocation lifetime ban sa naturang drayber bilang bahagi ng mahigpit na paninindigan ng ahensya laban sa pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak.

β€œHindi dapat nagmamaneho ang sinumang nakainom. Delikado ito at puwedeng kumitil ng buhay, tulad ng nangyari sa insidenteng ito. Hindi natin palalampasin ang ganitong kapabayaan,” ayon kay Asec. Lacanilao.

Paalala ng LTO na walang lugar sa kalsada ang pagmamaneho habang nasa impluwensya ng alak. Ang pag-inom bago magmaneho ay maaaring makaapekto sa pag-iisip at reaksyon ng isang drayber at maglagay sa panganib sa buhay ng ibang tao. Kaya mariing panawagan ng LTO sa lahat ng motorista, kung nakainom, huwag magmaneho. Isang maling desisyon sa kalsada ay maaaring kumitil ng buhay.

𝐓𝐕 π‡πŽπ’π“, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ πŒπ€π“π€ππŽπ’ πŒπ€πŠπ”π‡π€ππ€ππ† 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐀𝐓𝐁𝐄𝐋𝐓 𝐀𝐓 ππ”πŒπ€ππ€ 𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐒𝐀 πŠπ€π‹π’π€πƒπ€; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ ...
22/09/2026

𝐓𝐕 π‡πŽπ’π“, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ πŒπ€π“π€ππŽπ’ πŒπ€πŠπ”π‡π€ππ€ππ† 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐀𝐓𝐁𝐄𝐋𝐓 𝐀𝐓 ππ”πŒπ€ππ€ 𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐒𝐀 πŠπ€π‹π’π€πƒπ€; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Matapos makarating sa ahensya ang viral video ng mga host na nagre-record habang kumakanta sa loob ng sasakyan, agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, at naglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng sasakyan kaugnay ng mga nakitang paglabag sa naturang bidyo.

Sa naturang bidyo, makikitang minamaneho ang sasakyan nang walang suot na seatbelt habang nire-record ng kanyang mga kasamahan ang kanilang pagkakantahan sa loob ng sasakyan. Sa dulo ng bidyo, makikita ring bumaba ang drayber ng sasakyan habang nasa kalsada, iniwang bukas ang pintuan nito, at muling sumakay.

Dahil dito, inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at idrayber ng SUV na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa Setyembre 29, 2026 para sa pagdinig. Kinakailangan din nito magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig, upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat managot ang itinalagang drayber sa mga posibleng paglabag sa Failure to Wear the Prescribed Seatbelt Device at Reckless Driving, gayundin sa posibleng pagdeklara sa drayber bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa pagsuspinde o pagbawi ng kanyang lisensya sa pagmamaneho.

Samantala, agad na ipinatupad ang 90-araw na preventive suspension sa lisensya sa pagmamaneho ng drayber habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Inaatasan din siyang isuko ang kanyang lisensya sa LTO, habang nananatili naman ito sa alarm status, gayundin ang sasakyan.

β€œWalang masama sa pag-content at pagsasaya sa loob ng sasakyan, pero hindi kailanman dapat isantabi ang kaligtasan para dito. Bilang lisensyadong drayber, alam niya ang kanyang responsibilidad na magsuot ng seatbelt, manatiling nakatuon sa pagmamaneho, at sumunod sa iba pang umiiral na batas-trapiko," pahayag ni Asec. Lacanilao.

"Kapag may paglabag, maaasahan ang LTO na kikilos nang walang pinipili at walang pinapalampas,” dagdag ni Asec. Lacanilao.

Nais ipaalala ng LTO sa lahat ng motorista na tiyaking laging sumusunod sa mga umiiral na batas bilang bahagi ng pananagutan na kaakibat ng pribilehiyong makapagmaneho. Ang pribilehiyong ito ay dapat laging gamitin nang may disiplina at pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada. Patuloy ang LTO sa pagpapaalala at pagpapatupad ng mga batas upang matiyak na ang bawat motorista ay mananagot sa kanilang mga kilos sa kalsada.

𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆 ππˆππ€π“πŽ 𝐍𝐆 π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐀𝐓 π’π€πŠπ€π˜ ππˆπ“πŽ, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹...
22/09/2026

𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆 ππˆππ€π“πŽ 𝐍𝐆 π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐀𝐓 π’π€πŠπ€π˜ ππˆπ“πŽ, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Mabilis na ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang paghahain ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari ng motorsiklo at rider nito matapos umanong batuhin ang isang batang sakay ng tricycle habang kasama ang kanyang ina.

Batay sa viral video na unang inilabas sa Facebook account ni β€œFloressil Melissa Garcia” at kalaunan ay nakarating sa LTO, makikitang nakasakay ang bata sa isang tricycle kasama ang kanyang ina at umano’y binato ng mga sangkot ang noo ng bata nagresulta sa pagkasugat nito habang binabagtas ang pampublikong kalsada. Ayon sa paunang impormasyon, nagkaroon muna ng alitan sa pagitan ng mga sangkot bago ang insidente. Makikita rin sa video na hindi tinantanan ng mga sangkot ang biktima at kinukuhanan pa ito ng video habang sakay ng tricycle. Kapansin-pansin din na walang side mirror ang motorsiklo at hindi awtorisado ang mga helmet na suot ng rider at backrider.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang LTO upang matukoy ang pagkakakilanlan ng rehistradong may-ari ng motorsiklo at rider, na nagresulta sa pormal na paghahain ng SCO laban sa kanila.

Ayon sa SCO, inaatasan ang mga sangkot na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Setyembre 29 upang magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay at iba pang dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig. Kinahaharap nila ang mga alegasyon ng Reckless Driving, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act, Failure to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, Failure to Require the Back Rider to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, at Motor Vehicle Operating Without Accessories.

Maaari namang tuluyang bawiin ng LTO ang driver’s license ng rider kung mapatutunayang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Inaatasan din ang rider na isuko ang kanyang driver’s license sa IID, na isasailalim sa 90-araw na suspensyon, habang inilagay naman sa alarm status ang naturang motorsiklo habang isinasagawa ang kaukulang proseso.

β€œHindi kailangang idaan sa dahas ang anumang hindi pagkakaunawaan sa kalsada. Lalo nating dapat bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng mga bata at hindi natin palalampasin ang anumang kilos na maaaring maglagay sa panganib sa kanilang buhay. Hinihikayat natin ang bawat motorista na maging responsable, pairalin ang disiplina, at laging igalang ang kapwa sa kalsada,” ani Asec. Lacanilao.

Hinihikayat ng LTO ang publiko na patuloy na magsumite ng mga ulat at video hinggil sa mga insidente ng paglabag sa batas at mga panuntunan sa kalsada upang agad na maimbestigahan at maaksyunan ng ahensya. Ang mga ganitong ulat ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga pampublikong kalsada. Tinitiyak ng LTO na ang bawat sumbong na may sapat na impormasyon ay susuriin at sasailalim sa kaukulang proseso alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐀𝐓 π€ππ†πŠπ€π’ 𝐍𝐀 ππ€πŒππ€π“πŽ 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Mabilis na ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang paghahain ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari ng motorsiklo at rider nito matapos umanong batuhin ang isang batang sakay ng tricycle habang kasama ang kanyang ina.

Batay sa viral video na unang inilabas sa Facebook account ni β€œFloressil Melissa Garcia” at kalaunan ay nakarating sa LTO, makikitang nakasakay ang bata sa isang tricycle kasama ang kanyang ina at umano’y binato ng mga sangkot ang noo ng bata nagresulta sa pagkasugat nito habang binabagtas ang pampublikong kalsada. Ayon sa paunang impormasyon, nagkaroon muna ng alitan sa pagitan ng mga sangkot bago ang insidente. Makikita rin sa video na hindi tinantanan ng mga sangkot ang biktima at kinukuhanan pa ito ng video habang sakay ng tricycle. Kapansin-pansin din na walang side mirror ang motorsiklo at hindi awtorisado ang mga helmet na suot ng rider at backrider.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang LTO upang matukoy ang pagkakakilanlan ng rehistradong may-ari ng motorsiklo at rider, na nagresulta sa pormal na paghahain ng SCO laban sa kanila.

Ayon sa SCO, inaatasan ang mga sangkot na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Setyembre 29 upang magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay at iba pang dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig. Kinahaharap nila ang mga alegasyon ng Reckless Driving, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act, Failure to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, Failure to Require the Back Rider to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, at Motor Vehicle Operating Without Accessories.

Maaari namang tuluyang bawiin ng LTO ang driver’s license ng rider kung mapatutunayang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Inaatasan din ang rider na isuko ang kanyang driver’s license sa IID, na isasailalim sa 90-araw na suspensyon, habang inilagay naman sa alarm status ang naturang motorsiklo habang isinasagawa ang kaukulang proseso.

β€œHindi kailangang idaan sa dahas ang anumang hindi pagkakaunawaan sa kalsada. Lalo nating dapat bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng mga bata at hindi natin palalampasin ang anumang kilos na maaaring maglagay sa panganib sa kanilang buhay. Hinihikayat natin ang bawat motorista na maging responsable, pairalin ang disiplina, at laging igalang ang kapwa sa kalsada,” ani Asec. Lacanilao.

Hinihikayat ng LTO ang publiko na patuloy na magsumite ng mga ulat at video hinggil sa mga insidente ng paglabag sa batas at mga panuntunan sa kalsada upang agad na maimbestigahan at maaksyunan ng ahensya. Ang mga ganitong ulat ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga pampublikong kalsada. Tinitiyak ng LTO na ang bawat sumbong na may sapat na impormasyon ay susuriin at sasailalim sa kaukulang proseso alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ 𝐍𝐆 π”π“πˆπ‹πˆπ“π˜ 𝐕𝐀𝐍 𝐀𝐓 πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ, ππ€π‘π„π‡πŽππ† πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ πŒπ€π“π€ππŽπ’ πŒπ€π’π€ππ†πŠπŽπ“ 𝐒𝐀 πˆππ’πˆπƒπ„ππ“π„ππ† πˆπŠπˆππ€π’π€π–πˆ 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐂...
17/09/2026

πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ 𝐍𝐆 π”π“πˆπ‹πˆπ“π˜ 𝐕𝐀𝐍 𝐀𝐓 πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ, ππ€π‘π„π‡πŽππ† πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ πŒπ€π“π€ππŽπ’ πŒπ€π’π€ππ†πŠπŽπ“ 𝐒𝐀 πˆππ’πˆπƒπ„ππ“π„ππ† πˆπŠπˆππ€π’π€π–πˆ 𝐍𝐆 ππ€π‚πŠπ‘πˆπƒπ„π‘ 𝐒𝐀 π€ππ“πˆππŽπ‹πŽ π‚πˆπ“π˜; ππ€π‘π„π‡πŽππ† π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos mag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa mga drayber ng isang utility van at motorsiklo na sangkot sa insidenteng naganap sa Marcos Highway, Piedra Blanca, Brgy. San Luis, Antipolo City noong Setyembre 15, 2026, kung saan nasagi ng utility van ang motorsiklo na nagresulta sa pagkasawi ng backrider.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng LTO at sa police report kaugnay ng insidente, bandang alas-dos ng hapon nang masangkot sa insidente ang naturang utility van at motorsiklo. Batay sa police report, may pananagutan umano ang drayber ng motorsiklo sa naganap na insidente. Matapos ang banggaan, nahulog sa kalsada ang drayber at backrider ng motorsiklo, bago nagulungan ng likurang gulong ng utility van ang backrider na kalaunan ay idineklarang dead on arrival. Samantala, nagtamo rin ng mga sugat ang drayber ng motorsiklo.

Bukod sa SCO na inisyu laban sa drayber ng utility van, nag-isyu rin ang LTO ng hiwalay na SCO laban sa drayber ng motorsiklo kaugnay ng parehong insidente. Inatasan ang mga naturang drayber na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Setyembre 22, 2026, alas-dos ng hapon, upang magsumite ng sinumpaang salaysay at mga kaukulang orihinal na dokumento kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa mga SCO ang Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, parehong isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng dalawang sangkot na drayber at inatasan silang agad na isuko ang mga ito sa IID.

Kapwa inilagay sa alarm ang utility van at motorsiklo habang nagpapatuloy ang kaukulang proseso at imbestigasyon ng ahensya.

β€œSa mga ganitong insidente, paalala sa lahat ng motorista na dahan-dahang magmaneho at laging maging alerto sa kalsada. Bawat pagmamaniobra ay dapat may sapat na pag-iingat dahil isang saglit na pagkakamali ay maaaring mauwi sa pagkawala ng buhay,” ayon kay Asec. Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na pairalin ang dobleng pag-iingat, disiplina, at responsableng pagmamaneho sa bawat paggamit ng kalsada. Sa pagsunod sa mga alituntunin at pagiging maingat sa bawat pagmamaniobra, makatutulong ang bawat motorista sa pagpapanatili ng kaligtasan sa kalsada.

Address

Brgy. San Rafael (Salong)
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO MIMAROPA Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO MIMAROPA Region:

Shortcuts

Share