29/09/2026
πππππππ ππ πππ ππ πππππππππππ, ππππππππ ππ ππ
π πππππ ππ πππππ πππππππππππ!
Sa patuloy na palay procurement, hindi lamang pagbili ng palay ang isinusulong ng NFA Albay, kundi pati ang paglapit sa mga magsasaka upang maipaabot nang malinaw ang proseso at mga oportunidad sa pagbebenta ng kanilang ani sa ahensya.
Sa pamamagitan ng UGNAYAN, nakipagpulong ang Warehouse Supervisor at Quality Assurance Officer ng sangay sa Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC) ng Malinao and Tiwi, Albay, bilang tugon sa kanilang imbitasyon sa NFA Albay.
Sa mga isinagawang pagpupulong, ipinaliwanag ng Warehouse Supervisor ang mandato ng NFA, particular ang papel ng ahensya sa palay procurement at pamamahala ng buffer stock para sa mga pangangailangn ng bansa.
Mahalagang bahagi rin ng talakayan ang limang hakbang sa pagbebenta ng palay ng NFA: pagdadala ng sample; klasipikasyon; pagsako at pagtimbang ng palay; pag-isyu ng resibo; at ang pagbabayd sa magsasaka.
Ipinaalala rin sa mga dumalo ang mga pangunahing kinakailangan para sa indibidwal na magsasaka upang makapagbenta ng kanilang palay sa ahensya.
Sa ganitong paraan, nagiging tulay ang UGNAYAN hindi lamang sa pagitan ng NFA at mga magsasaka, kundi maging sa mga lokal na agriculture stakeholders na may mahalagang papel sa pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon.
Dahil sa palay procurement, mahalaga ang bawat ugnayan!
πΈWS Vevencio J. Balaoro