26/05/2026
๐๐๐ฐ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฌ๐ | National Fisherfolk Director Dario Pedong Nagpahayag ng Pasasalamat sa BFARโSAAD
โSa SAAD, ang mga pangako ay tinutupadโmaraming salamat po.โ
Ito ang taosโpusong pahayag ng kasalukuyang National Fisherfolk Director, Mr. Dario M. Pedong, nang bumisita siya kahapon sa opisina ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources โ Special Area for Agricultural Development (BFARโSAAD) upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa ahensya, na naging mahalagang katuwang sa kanilang paglalakbay tungo sa mas maunlad na pamumuhay.
Si Mr. Pedong ay benepisyaryo ng BFARโSAAD Program Phase II at kasalukuyang nagsisilbing Presidente ng Hinablan Farmers and Fishermenโs Association (HiFaFiSa) sa Central Visayas.
Noong Mayo 4, 2026, siya ay nanumpa bilang National Fisherfolk Director sa isinagawang Mangingisdang Direktor Turnover Ceremony sa BFAR Central Office, Quezon City. Ang naturang seremonya ang nagsilbing opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda 2026.
Sa patuloy na paglalakbay ng sektor ng pangisdaan, nananatiling katuwang ang BFARโSAAD Program sa pagtupad ng pangako ng mas maunlad na buhay para sa mga mangingisda. Pangunahing layunin ng programa na ihatid ang mga benepisyaryong mangingisda tungo sa ganap na communityโbased enterprises (CBEs).