24/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐,๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Nasungkit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol ang ikalawang pwesto sa buong bansa sa ginanap na โLinis Dinโ underwater cleanup efforts matapos makakolekta ng kabuuang 6,067 kilo ng basura sa dagat.
Ayon sa DENR Bicol, bunga ng isinagawang Simultaneous Coastal Clean-up at SCUBAsurero activities ang naturang tagumpay na nilahukan ng 318 participants at nakalikom ng may 105 sako ng sari-saring basura tulad ng mga plastik, bote, at malalaking debris na nagbabanta sa buhay-ilang na isinagawa sa tanyag na Pasig Reef sa Rawis, Legazpi City, gayundin sa iba pang bahagi ng rehiyon, na may layuning protektahan at isalba ang marine ecosystem laban sa polusyon.
Pinangunahan ng DENR Bicol ang nasabing inisyatiba sa tulong ng mga tactical at SCUBA divers, environmental responders, at mga katuwang na ahensya tulad ng Philippine Navy (NSWU3), Philippine Coast Guard (District Bicol), ICRM Unit ng LGU Legazpi, DEEP Responders, at Philippine Navy Reservists upang ipaalala sa publiko na ang laban sa polusyon sa dagat ay nagpapasimula sa tamang disiplina sa lupa.
Bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng Month of the Ocean ngayong taon. | ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ซ๐ฒ ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ
Nasungkit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol ang ikalawang pwesto sa buong bansa sa ginanap na โLinis Dinโ underwater cleanup efforts matapos makakolekta ng kabuuang 6,067 kilo ng basura sa dagat. | ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ซ๐ฒ ๐๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ
๐ธDENR Bicol
๐๐ข๐ด๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ฆ๐ต๐ข๐ญ๐บ๐ฆ ๐ด๐ข ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ด๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ.