02/06/2026
๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฆ๐๐ฅ๐จ๐ง, ๐๐จ๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐ง, ๐๐ญ ๐๐จ๐ฆ๐๐ฅ๐จ๐ง ๐๐ญ๐๐ญ๐ ๐๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐จ๐ญ ๐๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ฒ๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐จ๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐ง, ๐๐จ๐ฆ๐๐ฅ๐จ๐ง
Ang TRIPSY v2.0 (Design and Development of an Android-based Application for Tricycle Booking and Dispatch System) ay isang makabagong aplikasyon na bunga ng thesis ng mga innovative students mula sa Romblon State University โ Sawang Campus. Ang naturang proyekto ay sama-samang pinagtibay at isinulong ng DOST Romblon, Romblon State University, at ng Lokal na Pamahalaan ng Odiongan upang mapalakas at higit pang mapaunlad ang sistema ng aplikasyon, bilang bahagi ng iisang layunin na maisakatuparan ang inisyatibang kapaki-pakinabang para sa komunidad.
Sa kasalukuyan, ang TRIPSY v2.0 ay nasa yugto ng pilot testing na layuning mas mapabuti pa ang mismong sistema ng booking at dispatch. Pangunahing layunin nito ang i-refine ang mga features, tiyakin ang pagiging maayos at episyente ng operasyon, at masiguro ang mas magandang user experience para sa mga commuters, tricycle drivers, at mga tagapamahala ng sistema.
Bilang magkatuwang na tagapagtaguyod ng inobasyon, ang DOST Romblon, Romblon State University, at ang Lokal na Pamahalaan ng Odiongan ay magkakasamang nanguna sa paglulunsad ng proyekto. Sa hinaharap, inaasahang makatutulong ang TRIPSY v2.0 sa pagkakaroon ng mas mabilis, organisado, at digital na sistema ng pampublikong transportasyon, pati na rin sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga tricycle drivers at sa pagpapalakas ng digitalization initiatives sa bayan.
Taos-pusong nagpapasalamat ang DOST-Romblon sa lahat ng partner agencies at stakeholders na patuloy na sumusuporta sa pagsusulong ng agham, teknolohiya, at inobasyon para sa kapakinabangan ng mamamayang Romblomanon.