Department of Agrarian Reform, Philippines

Department of Agrarian Reform, Philippines This is the official page of the Department of Agrarian Reform (DAR). The lead implementing agency of agrarian reform program in the Philippines.

The Department of Agrarian Reform (DAR) leads the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) through land tenure improvement, agrarian justice, and coordinated delivery of essential support services to client-beneficiaries.

Mas makabagong kagamitan, mas produktibong bukid!Tatlong makinaryang pangsaka ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian...
18/09/2026

Mas makabagong kagamitan, mas produktibong bukid!

Tatlong makinaryang pangsaka ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Malbago Farmers Association, Inc. (MARFA) sa Daanbantayan, Cebu, bilang dagdag-suporta sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).

Inaasahang makatutulong ang mga kagamitang ito upang mapataas ang produksyon, mapagaan ang trabaho sa bukid, at mapabilis ang mga gawain sa pagsasaka tungo sa mas produktibong kabuhayan para sa mga ARB.



Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1

18/09/2026

MATAPANG SA PANININDIGAN, KAISA SA ATING MGA MAGSASAKA. THANK YOU PO, CONG. Eli San Fernando - Kamanggagawa Partylist

Kilala si Rep. Elijah “Eli” San Fernando ng Kamanggagawa Party-list sa kanyang tapang at matibay na paninindigan para sa mga manggagawa. Sa nagdaang proposed budget hearing sa House of Representative, ipinakita rin niya ang kanyang suporta at pagmamahal sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Sa deliberasyon ng House of Representatives para sa FY 2027 budget ng Department of Agrarian Reform, si Rep. San Fernando mismo ang gumalaw upang i-terminate ang period of sponsorship and debate para sa consideration ng DAR budget.

Isang makabuluhang hakbang na nagpapakita na ang laban para sa kapakanan ng ating mga manggagawa ay kaakibat din ng laban para sa ating mga magsasaka.

Kaisa ninyo kami, Rep. Eli! Maraming salamat sa inyong malasakit at pagmamahal para sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries.

SEPTEMBER 17, 2026 | Ngayong araw, sa pangunguna ni Secretary Conrado M. Estrella III, dumalo ang mga opisyal at kawani ...
17/09/2026

SEPTEMBER 17, 2026 | Ngayong araw, sa pangunguna ni Secretary Conrado M. Estrella III, dumalo ang mga opisyal at kawani ng Department of Agrarian Reform mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa budget briefing ng DAR para sa FY 2027 sa Senate of the Philippines.

Pinangunahan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, ang talakayan, kasama sina Senator Joseph Victor “JV” Ejercito, Chairperson ng Senate Committee on Finance, at Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri, Senate Majority Leader.

Mabilis at maayos ang naging daloy ng briefing. Taos-pusong pasasalamat sa ating mga kagalang-galang na mambabatas sa kanilang oras, pakikinig, at patuloy na suporta sa mga programa ng DAR para sa ating mga minamahal na Agrarian Reform Beneficiaries.

17/09/2026

🛑WATCH LIVE NOW‼

Budget Briefing of the Committee on Finance (Subcommittee G)
Presiding: Sen. Francis "Kiko" Pangilinan
September 17, 2026 | Thursday | 2:00 PM

AGENDA:

FY 2027 Proposed Budget Briefing of the Department of Agrarian Reform

Ang bagong Benguet Farm-to-Market Road (FMR) sa Echague, Isabela ay higit pa sa isang kalsada. Ito ay mahalagang tulay n...
17/09/2026

Ang bagong Benguet Farm-to-Market Road (FMR) sa Echague, Isabela ay higit pa sa isang kalsada. Ito ay mahalagang tulay na nag-uugnay sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa mga pamilihan, serbisyo, at oportunidad pangkabuhayan.

Sa tulong ng DAR at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at komunidad, patuloy nating inilalapit ang serbisyo at mga programang pangkaunlaran sa mga magsasaka—kahit sa mga malalayong komunidad.

BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/dar-central-news-jul-sep.../25867



Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1

ROSALES, Pangasinan — Libo-libong agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Pangasinan ang nakatanggap ng mga titulo ng lu...
17/09/2026

ROSALES, Pangasinan — Libo-libong agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Pangasinan ang nakatanggap ng mga titulo ng lupa at iba’t ibang tulong pang-agrikultura mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat” noong Setyembre 14 sa Robert B. Estrella, Sr. Memorial Stadium dito.

BASAHIN: https://www.dar.gov.ph/dar-central-news-jul-sep-2026-subroute/25879



Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1

Matagumpay na naipresenta ng Department of Agrarian Reform ang panukalang budget nito para sa FY 2027 sa House of Repres...
16/09/2026

Matagumpay na naipresenta ng Department of Agrarian Reform ang panukalang budget nito para sa FY 2027 sa House of Representatives, sa pangunguna ni Secretary Conrado M. Estrella III, kasama ang mga opisyal at kawani ng DAR mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa.

Taos-pusong pasasalamat kay Representative Ian Paul Dy ng 3rd District ng Isabela sa kanyang sponsorship at sa ating mga kagalang-galang na mambabatas sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga programa at inisyatiba ng DAR para sa ating sektor ng agrikultura at, higit sa lahat, sa ating mga minamahal na Agrarian Reform Beneficiaries.

Ang bawat pondong ating ipinaglalaban at bawat programang ating isinusulong ay may iisang layunin, ang patuloy na mapabuti ang buhay at kabuhayan ng ating mga magsasaka at ARBs.

Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, at pagkilala sa mahalagang papel ng agrarian reform sa pag-unlad ng ating kanayunan.

Sama-sama, patuloy nating isusulong ang isang mas matatag, mas produktibo, at mas maunlad na sektor ng agrikultura—para sa ating mga magsasaka, para sa ating mga ARBs, at para sa bayan.

16/09/2026

20th Congress | 2nd Regular Session #8
HB No.10858 - FY 2027 General Appropriations Bill (Day 2-2)
Wednesday, September 16, 2026

Address

Elliptical Road, Diliman
Quezon City
1107

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+6329287032

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Agrarian Reform, Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Agrarian Reform, Philippines:

Shortcuts

Share