22/09/2026
Malugod na tinanggap ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sa pangunguna ni Secretary Nancy A. Catamco, si Mฤori Member of Parliament Dr. Shane Reti ng Aotearoa New Zealand, kasama sina Dr. Catherine McIntosh, New Zealand Ambassador to the Philippines, at David Pennycook, Second Secretary ng New Zealand Embassy in Manila. Kasama rin sa delegasyon sina Daniel Thompson, Ben Steele, Nathan Hotter, at Dyan Mabunga, International Development Programme Manager ng New Zealand Embassy in Manila.
Nakatuon ang talakayan sa pagpapalakas ng katutubong ekonomiya, pagnenegosyo, kalakalan, at kaunlarang pinangungunahan ng mga komunidad.
Ibinahagi ni Dr. Reti kung paano pinalakas ng mga komunidad ng Mฤori ang kanilang pakikilahok sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagnenegosyo, kalakalan, responsableng pangangasiwa sa mga likas na yaman, at mga pamumuhunang pinangungunahan ng komunidad, habang pinangangalagaan ang kanilang kultura, pagkakakilanlan, at sama-samang kapakanan.
Tinalakay rin kung paano mapalalakas ng mga Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa Pilipinas ang kanilang mga negosyong pangkomunidad, madaragdagan ang halaga ng mga katutubong produkto, makauugnay sa mas malawak na merkado, at makikinabang nang patas mula sa kanilang tradisyunal na kaalaman at pagkamalikhain.
Binigyang-diin ni Secretary Nancy na ang pag-unlad ng ekonomiya ay dapat isulong ayon sa sariling pagpapasya ng mga katutubong pamayanan at nakaugat sa kanilang kultura, mga prayoridad, nakaugaliang paraan ng pagpapasya, at karapatang hubugin ang kanilang sariling kinabukasan.
Nagbukas din ang pagpupulong ng mga oportunidad para sa patuloy na ugnayan ng Pilipinas at Aotearoa New Zealand sa larangan ng katutubong kalakalan, pagnenegosyo, palitan ng kaalaman, at pagpapalawak ng koneksyon sa merkado.
Sa pamamagitan ng makabuluhang pakikipagtulungan, patuloy na isinusulong ng NCIP ang layunin nitong ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐๐๐๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป: ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป.